Alam mo yung pakiramdam na dinededma ka? Sabihin nating hindi kayo palaging nag-uusap, pero yung babalewalain ka lang niya na parang wala kayong pinagsamahan? Puta lang.
Nakakalungkot lang na yung isang blog na paborito mo, fanblog na ngayon. Nagegets niyo ba ko? Hindi ko alam, pero nalulungkot ako. :(
- Friend: Panahon ngayon, hindi na uso ang pakipot. Sunggab agad!
Ako yung tipong magpopost ng mga paboritong line o senaryo sa mga kwentong nababasa ko. Yung bang, may isang parte sayo na natatamaan ka? Hindi mo naman siya pinagdadaanan, pero parang natatamaan ka talaga. Nakakakuha rin ako ng inspirasyon sa pagbabasa, yun na ata ang naging buhay ko eh. Ang magbasa sa wattpad. Mas gusto ko magbasa ng online kaysa magbasa ng libro mismo, choosyyy. Pakiramdam ko kasi kapag wala akong nabasang kwento, kahit isang chapter manlang, pakiramdam ko may kulang sakin. Nasanay lang siguro ako.
Di bale ng hindi dumating yun oras na mahalin mo ako Chad, mahalaga ay dumating yung oras na mahalin ka ng taong mahal mo. Alam ko naman na sa kwento mo, hindi ako ang bida… Extra lang ako. Hindi masamang umasa pero sa sitwasyong ito, mas pipiliin kong wag na lang umasa hindi dahil sa natatakot akong masaktan kundi dahil sa ayaw kong masira yung friendship natin. I value it more than this stupid heart that is beating abnormally.
“When I saw her crying, I wanted to hug her tightly. D’you get me people? I mean, if I’m a guy I could have possibly fall inlove with her. She might not have the aspects of a gorgeous lady but there’s something about her that keeps you wanting to stay by her side.”
Minsan, mas mabuti yung hindi ka nalang magsalita. Yung hindi mo nalang i-sabat yung idea mo, yung opinyon mo. Kasi minsan, ikaw pa yung pag-iisipan ng masama. Kaya minsan, mas mabuti yung tumahimik ka nalang, isarili mo nalang kung ano yung opinyon mo.
“Parang tiwala pag naubos na, bigla biglaan talaga. Mahirap nang makita, kapag minsa’y nawala. At kahit na pilitin, di mo na mapapalitan. Kahit hanap-hanapin, di mo na mababalikan.”
Ang lakas na nga ng kidlat, hindi pa rin pinapatay ang laptop. Yehey.
Tama nga sila, bakit ka magtitiis na masaktan kung may tao naman na nariyan na gusto kang maging masaya.
Huwag mong hanapin ang Prince Charming mo kundi yung Knight-in-Shining-Armor na hindi man natin napapansin sa una eh siya naman handang sumagip sayo.
Minsan pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Yung bang papasok ka ng eskwelahan at pakiramdam mo lahat sila ayaw sayo? Yung kinakausap ka nga nila, pero pagtalikod mo tinitira tira ka na? Yung malilito ka na lang kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino yung hindi.
Inedit ko to kani-kanina lang. Wala kasing magawa. Pinakinggan ko nga pala cover ni Leroy ng payphone. Parang ang payat niya dun sa video :(
